Idadaan ng organizers ng 2024 Paris Olympics sa bunutan ang mga unang makakabili ng kanilang tickets.
Ayon sa organizers na simula Disyembre 1 hanggagn Enero 31, 2023 ay maaaring makapagrehistro ang mga nais na makabili ng unang batch ng tickets.
Ang mga matagumpay na nagparehistor ay mabibigyan ng 48-oras mula Pebrero 13 hanggang Marso 15 na bilhin ang mga tickets.
Bukod sa opening ceremony at surfing ay maaari silang makapili ng tatlong sessions ng anumang sports.
Ang susunod na bahagi na kasi ng pagbebenta ng tickets ay magsisimula sa Marso hanggang Mayo 2023.
Pahayag ng organizers na ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng Olympics na binuksan ang pagbebenta ng tickets sa single, centralized at digital platform na bukas sa lahat ng mga fans.
Aabot sa mahigit 10 milyon na tickets ang nakatakdang ibenta ng organizers para sa prestisyosong sporting events sa mundo.










