-- Advertisements --
Pupulungin ni Benguet caretaker at ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap ang mga awtoridad sa probinsya para maglatag ng mga hakbang laban sa bagong variant ng COVID-19.
Ito ay matapos na magpositibo ang 12 katao sa bagong strain ng coronavirus sa karatig lalawigan ng Mt. Province at isang pasyente sa La Trinidad Benguet.
Dapat aniyang manatiling alerto ang lahat at gawin ang lahat ng pagiingat laban sa UK variant ng COVID-19, na mas nakakahawa ayon sa mga eksperto.
Gayunman, silang mga opisyal ng pamahalaan ay patuloy aniyang nakabantay din sa usapin na ito sa tulong na rin ng Department of Health.









