-- Advertisements --

Winakasan na ng San Miguel Beermen ang kanilang dalawang sunod na talo matapos talunin ang NLEX Roadwarriors 124-116 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Bumida sa panalo ng kanilang ikatlong palit na import na si Devon Scott na nagtala ng 26 points, 10 rebounds at pitong assists.

Nagdagdag naman ng 22 points si Vic Manuel habang mayroong 22 points si Marcio Lassiter.

Mayroon ng dalawang panalo at tatlong talo ang Beermen na ito ang unang panalo nila mula ng hindi nakapaglaro si June Mar Fajardo matapos dumanas ng throat injury na kailangan pang magpahinga ng hanggang tatlong linggo.

Sinabi ni Beermen coach Leo Austria na pinayuhan niya ang mga players na huwag mawalan ng focus sa paglalaro kahit wala si Fajardo.