-- Advertisements --
Mas pinalawig pa ng San Miguel Beermen ang kanilang panalo sa nagpapatuloy na PBA 50th Season Philippine Cup.
Ito ay matapos na tambakan nila ang Titan Ultra 158-117 sa laro na ginanap sa Ynares Center.
Mula sa umpisa ng laro ay hindi na nagpatinag pa ang Beermen at lumayo ang kalamangan nila.
Mayroon ng limang panalo at dalawang talo na ang Beermen habang ang Titan mayroong dalawang panalo at anim na talo.
Naguna sa panalo ng Beermen si Cjay Perez na nagtala ng 26 points habang mayroong 24 points si Jericho Cruz.
Nasayang naman ang mga naitalang 21 points ni Von Pessumal, 20 points kay Joshua Munzon at 16 points, 10 rebounds ni Calvin Abueva para sa Titan.
















