-- Advertisements --

Pinahiya ng San Miguel Beermen ang defending champion na Barangay Ginebra 95-82 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Smart Araneta.

Bumida sa panalo ng Beermen si Chris Ross na nakagawa ng 22 points habang mayroong 16 points si Jericho Cruz.

Nagpakitang gilas naman si Don Trollano sa unang pagkakataon na maglaro sa Beermen matapos nagtala ng 16 points.

Kinuha ng Beermen si Trollano matapos ang three-team trade ng NorthPort at NLEX.

Sa unang quarter ay mabilis na umarangkada ang Gins subalit hindi hinayaan ito ng Beermen hanggang sila ay nakabawi.

Naharap pa sa hamon ang Beermen matapos na mapalabas sa court ang import nila na si Ivan Aska ng tawagan siya ng flagrant foul.

Naging parehas na ang record na ngayon ng Beermen at Ginebra na mayroong apat na panalo at tatlong talo.