-- Advertisements --

Pinalawig pa ng San Miguel Beermen ang kanilang panalo matapos talunin ang Meralco Bolts 94-86 sa 2023 PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Lamang ng siyam na puntos ang Beermen sa natiting 2:30 sa last quarter hanggang maipasok ni KJ Mcdaniels para maibaba ng bahagya ang kalamangan.

Naging tensiyonado ang laro ng maipasok ni Allein Maliksi ang tatlong free-throws para maipababa sa anim ang kalamangan ng Beermen sa halos isang minutong natitira.

Bumida sa panalo ng Beermen ang kanilang import na si Cameron Clark na mayroong 28 points at 12 rebounds habang mayroong 19 points si CJ Perez.

Nag-ambag naman ng 13 points si Jericho Cruz at 11 points naman kay June Mar Fajardo.