-- Advertisements --
Nakuha ng San Miguel Beermen ang 1-0 na kalamangan sa 2024 PBA Philippine Cup semifinals laban sa Rain or Shine 101-98 na ginanap sa Mall of Asia Arena sa lungsod ng Pasay.
May tsansa pa sana ang Elasto Painters na madala ang laro sa overtime subalit hindi nakapasok ang three-point shots ni Andrei Caracut sa natitirang apat na segundo ng laro.
Bumida sa panalo ng Beermen si seven-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo na nagtala ng 23 points, 11 rebounds at limang assists habang mayroong 17 points at anim na rebounds si Don Trollano at 16 points naman ang naitala ni Marcio Lassiter.
Nasayang naman ang nagawang 20 points at pitong rebounds si Gian Mamuyac habang mayroong 17 points at pitong rebounds naman si Beau Belga.