-- Advertisements --
Nakatakdang magtungo sa Brisbane, Australia para magsanay ang beach volleyball teams ng bansa.
Ayon sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF), binubuo ito ng 12 manlalaro kung saan anim na babae at anim na lalake.
Tatagal ng hanggang dalawang linggo ang nasabing training.
Sinabi naman ni PNVF president Ramon ‘Tats’ Suzara na mahalaga ang pagsasanay at isa rin paraan para sa exposures ng mga manlalaro.
Kinabibilanga nito ng mga manlalaro gaya nina Sisi Rondina, Bernadeth Pons, Floremel Rodriguez, Jovelyn Gonzaga, Jane Eslapor, Nerissa Bautista. Gonzaga.
Magugunitang sin Rondina, Pons at Rodriguez ay bahagi ng koponan na nanalo ng bronze medal noog 2019 SEA Games na ginanap sa Subic, Clark, Pampanga.