-- Advertisements --
Kinansela na ng Philippine Superliga ang kanilang kanilang Beach Volleyball Cup matapos ang pananalasa ng bagyong Rolly.
Sinabi ni PSL Chairman Philip Ella Juico, napagdesisyunan nila gawin na lamang ito sa Pebrero 2021.
Sa orihinal kasi na schedule nito, isasagawa ang nasabing torneo mula Nobyembre 26-29 sa Subic Bay na binubuo ng 16 koponan.
Dagdag pa ni Juico, na ilang oras nagpulong ang mga opisyal ng PSL para sa nasabing desisyon.
Magugunitang tanging ang PSL lamang na non-professional sports at women’s league ang siyang inaprubahan ng IATF para sa pagsasanay at kumpetisyon.