Kinumpirma na ni Bea Alonzo at Dominic Roque sa isang joint statement na ang haka-haka na hiwalay na sila.

Ayon kay Bea, nagkasundo sila na tapusin na ang kanilang relasyon. Nalulungkot umano sila na may iba pang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan at may mga gumawa na ng kuwento na walang katotohanan.

Dagdag pa ng aktres, hindi naging madali ang kanilang desisyon.

Kaya naman inihayag na umano nila ito sa publiko para na rin sa kanilang peace of mind at sa kanilang pamilya.