Isa sa mga itinuturing na “lucky Barristers” na matagumpay na pumasa sa 2022 Bar examination ang beauty queen at Binibining Pilipinas Miss Grand International 2018 title holder na si Eva Patalinjug.
Nagtapos si Eva mula sa University of San carlos College of Law noong nakalipas na taon.
Isa ding Juris Doctor ang beauty queen at registered nurse.
Sa kaniyang online post, nagbahagi ng larawan ng isang church altar si Eva kasabay ng pagpapasalamat.
Nagpaabot din ng pagbati ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa pagkakapasa nito sa Bar exam.
Mula nga sa 9,183 examinees tanging nasa 3,992 lamang ang pumasa na nagresulta ng 43% passing rate mas mababa kumpara sa passing rate noong 2021.
Nakatakdang manumpa ang mga bagong nakapasa sa pagaabogasya sa Mayo a-2 ng taong kasalukuyang sa Philippine International Convention Center (PICC).