-- Advertisements --

ROXAS CITY – Nakapagtala ng isang casualty ang bayan ng Jamindan, matapos ang walang tigil na pag-ulan at nagresulta ng pagbaha sa ibat-ibang mga kabarangayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mac Arthur Valdimar alkalde ng nasabing lugar, sinabi nito na ang nasabing biktima ay isang senior citizen at resident eng Sto Rosario, Jamindan Capiz.

Napag-alaman na umuwi ang biktima bandang 6:00 ng gabi, upang tingnan ang kanilang naiwang mga kagamitan at dahil na rin humupa na ang tubig –baha sa kanilang lugar.

Pasado 8:00 ng gab-i ng umuwi ang pamilya nito at nakita na lamang ang nasabing senior citizen na nakahandusay na sa may bahagi ng kanilang kusina at wala ng buhay.

Naniniwala naman ang pamilya na posible nalunod ang kanilang mahal sa buhay dahil napag-alaman rin nab ago ito umuwi nakainum ito ng alak.