-- Advertisements --
Jose Advincula
Arch. Advincula

Inihalintulad ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang buhay isang tao sa buhay na pinagdaanan ni Hesus Kristo.

Sa kaniyang mensahe ngayong Easter Sunday, sinabi nito na hindi lahat ng buhay ng tao ay nagtatapos sa paghihinagpis.

Nararapat na maghintay ang isang tao sa kaniyang tinatawag na ikatlong araw kung saan may pag-asa dahil sa pagkabuhay ni Kristo.

Katulad ng pinagdaanan ni Kristo ay dumaan ang unang araw ay maaring maranasan ng isang tao ang pagkakanulo ng isang kaibigan at ang pag-abandona ng taong inaakalang makakasama sa huli ganun din ang pagpaparatang ng kasinungalingan.

Bawat mga paghihirap aniya ay may katapusan at gaya ng pagkabuhay ni Kristo ay doon nabuhay ang pag-asa.


Nauna rito ay pinangunahan ni Advincula ang ginanap na Easter Vigil nitong gabi ng Black Saturday sa Manila Cathedral.

Bago ang misa ay nagsagawa muna ito ng Blessing of the Fire at ang pagsindi ng Paschal Candle na siyang sumisimbolo sa muling pagkabuhay ni Kristo.

Kasabay din nito ay ang pagbibinyag sa magkapatid na sina Philsaint at Clairevy Bantang na nagpa-convert sa Katoliko na ngayon lang nagpabinyag.