Hindi pabor si Deputy Speaker at Batangas Representative Ralph Recto na mag invest gamit ang Maharlika Wealth Fund sa labas ng bansa.
Ayon sa beteranong mambabatas dapat pag isipang mabuti ito dahil may kaakibat itong peligro.
Sa panayam kay Congressman Recto, wala naman siyang nakikitang masama sa pagtatag sa Maharlika Wealth Fund kung ito ay iinvest dito lamang sa bansa at kung ito ay kikita at mapupunta sa pensiyon at sa mga basic services na mapapakinabangan ng ating mga kababayan isa itong magandang proyekto.
Pero ayon kay Recto kung ilalabas ang pera sa bansa ay ibang usapan na ito.
Aniya, nanghihikayat nga ang Pilipinas ng direct investment tapos maglalabas pa ng pera, mukhang hindi ito tama.
Tiwala naman si Recto na hindi agad maipapasa ang naturang panukala dahil mahaba habang debate pa ito.
Una ng dinipensa ni Senior Majority Leader at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos ang isinusulong na Maharlika Wealth Fund.
Ayon sa nakababatang Marcos dapat hindi napo-politicized ang nasabing panukala.
Inindorso naman ni Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang pagtatag ng Maharlika Wealth Fund.










