-- Advertisements --

DAVAO CITY – Naghain na ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) pasado alas-12:-00 ng tanghali si Davao City Vice Mayor Sebastian Baste Duterte.

Nabatid na muling tatakbo si Baste bilang Vice Mayor ng lungsod.

Siya na rin ang naghain ng COC ng kanyang kapatid na si Davao 1st District Congressman Paulo “Pulong” Duterte, na kasalukuyang naka-quarantine matapos na magpositibo COVID-19.

Nang tinanong si Baste patungkol sa pagreretiro ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte sa pulitika, kanyang sinabi na posibleng sa Davao City na lamang din ito mananatili.

Hindi rin masasabi ng bise alkalde kung magbabago pa ang desisyon ang kanyang ate na si Mayor Sara Duterte-Carpio sa posibleng pagtakbo sa mas mataas na posisyon matapos na makapaghain na ito ng kanyang COC kahapon para sa kanyang reelection.