-- Advertisements --

Pinuri ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa kabila ng mga patutsada sa kaniya ni Vice President Sara Duterte ay nanatili itong tahimik.

Sa isang pahayag, ayon kay Barzaga kaniyang napansin na kailanman hindi nagbitaw ng masamang salita si Romualdez laban sa pangalawang Pangulo sa kabila ng napaka obvious na mga pasaring nito laban kay speaker.

Ito ay kasunod ng isyung tangkang pagpapatalsik kay Romualdez bilang house speaker.

Ayon kay Barzaga, kapuri-puri ang ginawa ni Speaker na hindi nagpapa apekto sa anumang banat ,bagkus naka pokus pa rin ito sa trabaho bilang house leader sa kabila ng isyu sa politika.

Sinabi ng beteranong mambabatas, ang ginagawa ni Speaker na hindi pumatol sa mga banat sa kaniya ay nagpapakita ng isang malakas na karakter.

“The Speaker held his horses and remained focused on his job as the leader of the House of Representatives amid this political rift. He never fired back with insults of his own. That shows strength of character,” ayon kay Rep. Barzaga.

Si Barzaga ay chairman ng House Committee on Natural Resources at dating pinuno ng National Unity Party.

Ang suporta ng ibat ibang  political parties sa liderato ni Speaker Romualdez’ ang siyang naging dahilan sa pagpasa ng Kamara sa mga priority bills ng Pang. Ferdinand Marcos Jr. at ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) kabilang ang panukalang Maharlika investment fund.

Ayon kay Barzaga, ang alitan o pagtatalo sa pulitika ang siyang huling kailangan ng bansa, lalo at tumakbo at nanalo si Pang. Marcos sa plataporma ng pagkakaisa kasama si VP Duterte, na nagbitiw na sa Lakas-Christian Muslim Democrats na pinamumunuan ni Romualdez.

Binanggit din ni Barzaga na malaki ang naitulong ni Romualdez sa pagsusulong ng vice presidential candidacy ni Duterte nuong 2022 elections.

“The Speaker worked hard for then Davao City Mayor Sara Duterte’s vice presidential bid because he genuinely believed that she would make a difference. Their rift is sad news and I hope that it will be mended soon,” dagdag pa ni Barzaga.

Nuong nakaraang Lunes, sa talumpati ng Vice President tumanggi itong banggitin ang middle name na Romualdez ng Pangulo.

Ang nanay ng Pangulo na si dating first lady Imelda Romualdez-Marcos, ay tiyahin ni Speaker.

“Hindi ko na banggitin ang middle initial niya… Mahal ko si apo BBM (I will not mention his middle initial… I love apo BBM),” pahayag ni VP Sara.

Sa kasagsagan ng isyu na tangkang pagpapatalsik kay Romualdez naglabas naman ng cryptic message si Duterte sa kaniyang social media accounts. “In your ambition, do not be tambaloslos,” ayon sa post ni VP Duterte.