-- Advertisements --

Tututukan ng pamahalaan ang COVID-19 vaccaintion sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) pati na rin sa ibang mga “inaccessible areas” sa kasagsagan ng extension ng ikatlong wave ng malawakang vaccination drive, ayon sa Department of Interior and Local Government.

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na pinakamababa ang vaccination rate sa BARMM sa buong bansa.

Nasa 30 percent pa lang kasi aniya sa lugar ang bakunado sa ngayon kaya malaking porsiyento pa ang kailangan na habulin.

Sa ikatlong “Bayanihan, Bakunahan” mass vaccination drive, sinabi rin ni Año na ang mga local government units, pati na rin ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, ay kailangan na magtulungan para maiparating sa mga malalayong lugar sa bansa ang mga gagamiting bakuna.

Bukod sa geographical location, ipinaliwanag ng kalihim na ang iba pang mga factors kaya mababa ang bakunahan sa mga lugar na tio ay dahil sa conflicting work schedule ng mga residente.

Ang ilan din sa mga ito ay hindi rin marunong nang husto sa teknolohiya kaya hirap silang makapagrehistro online.

Gayunman, tiniyak ni Año na tatanggap pa rin naman sila ng walk-ins sa mga vaccination sites na ito.

Nabatid na ang Bayanihan, Bakunahan III ay dapat noon lamang Pebrero 10 hanggang 11, pero pinalawig ito ng pamahalaan ng hanggang Pebrero 18.

Kabuuang 1.3 million katao ang nabakunahan sa uannag dalawang araw ng ikatlong bugso ng Bayanihan, Bakunahan.