-- Advertisements --

CAUAYAN CITY -Nakakulong ang isang barbero at nakatakdang sampahan ng kasong frustrated homicide matapos saksakin ang naka-alitang magsasaka sa Purok 7, Barangay . Mabini, Gamu, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Gamu Police Station ang biktima ay si Erwin Custodio, 33 anyos, may asawa, magsasaka habang ang pinaghihinalaan ay si Dindo Aquino, 32 anyos guang, may asawa, barbero at kapwa residente ng Purok 7, Brgy. Mabini, Gamu, Isabela

Sa pagsisiyasat ng Gamu Police Station nagtungo sa tahanan ni Reymond Respicio ang pinaghihinalaan at nadatnan nito ang may ari ng bahay kasama ang ilan pa sa kanilang kaibigan na nag-iinuman.

Dumating din ang biktima sa bahay ng Respicio kasama ang kaniyang may bahay at anak..

kinompronta umano ng pinaghihinalaan ang biktima kaugnay sa umanoy dating away na umabot pa sa Barangay.

Sinuntok umano ng pinaghihinalaan ang biktima at nang gaganti sana ng suntok si Custodio ay sinaksak siya ni Aquino

Nagtamo ng saksak malapit sa dibdib ang biktima na nakatakdang sumailalim sa operasyon dahil sa lalim ng natamong saksak

Kaagad namang nadakip ng mga kasapi ng Gamu Police Station ang pinaghihinalaan at narecover ang patalim na ginamit sa pananaksak.