-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Muling isinailalim sa limang araw na lockdown ang isang barangay sa Brgy. Lambayong sa lalawigan ng Sultan Kudarat, matapos nakapagtala ng suspected case ng covid-19.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Engr. Roelle Sanadara, IATF spokesman ng Lambayong, isinailalim sa naturang lockdown ang Barangay Midtapok matapos kuhanan ng swab test ang nasabing suspected case.
Sa ngayon ay dinala na ang naturang sample sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Manila at hihintayin na lamang ang resulta ng eksaminasyon.
Nabatid na sa naturang bayan naitala ang unang kaso ng COVID-19 kung saan nasawi ang pasyente.