-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Pinaghahanap pa sa ngayon ng mga otoridad ang isang barangay kagawad na suspek sa pamamaril sa nakaalitan na kapwa barangay official sa San Antonio Santicon, Malilipot, Albay.

Una rito isinugod sa ospital ang biktimang si Brgy. Kagawad Efren Bombita, 65-anyos matapos na magtamo ng tama ng bala sa braso ng paputokan ng kagawad rin na si Jovito Bonaobra Bermas Sr., 55-anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PMaj. Sammy Realuyo, hefe kan Malilipot PNP, naglalakad sa kanilang barangay ang biktima ng abangan at bigla na lang paputokan ni Bermas.

Maswerteng sa braso lang tinamaan ng bala ang biktima na agad na naitakbo sa ospital habang mabilis na tumakas ang suspek.

Nabatid na dati ng may alitan at nagharap sa barangay ang dalawa ng minsang suntokin ni Bermas ang biktima ng tumanggi itong makipag-inoman sa kanya.

-- Advertisement --

Sa ngayon, tinutugis na ng mga otoridad ang suspek na dala ang baril na ginamit sa krimen sa kanyang pagtakas.