-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at illegal possession of firearms ang isang opisyal ng Barangay na nahuli ng mga otoridad sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Renan Pragados, 38 anyos at barangay kagawad ng Brgy La Ezperanza, Tulunan, Cotabato.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Harold Ramos na ni-raid ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12) at pulisya ang tahanan nito sa bayan ng Tulunan.

Nakuha ng raiding team sa bahay ni Kagawad Pragados ang pitong pakete ng shabu na abot P81,600, assorted drug paraphernalia, isang kalibre.45 na pistola,magasin at mga bala.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa Tulunan MPS at patuloy na iniimbestigahan.