-- Advertisements --

Buhay pa ang tsansa ng Barangay Ginebra para makapasok sa semifinals.

Ito ay matapos na madala sa game 3 ang best of three quarterfinals sa pagitan nila ng Meralco Bolts 94-87 sa laro na ginanap sa Filoil Center sa San Juan City.

Pinangunahan ni Japeth Aguilara ang panalo ng Ginebra na nagtala ng 25 points at walong rebounds habang mayroong 15 points si Christian Standhardinger at 14 points kay LA Tenorio.

Aminado si Ginebra head coach Tim Cone na kanilang dodoblehin ang kanilang pagsisikap sa Game 3 sa darating na linggo, Hulyo 31 na gaganapin sa Mall of Asia Arena.