-- Advertisements --
Inirekominda ni Deputy Speaker for Finance Lray Villafuerte sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tanggalin ang bar codes sa forms ng Social Amelioration Program (SAP).
Sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability kahapon, Hulyo 7, sinabi ni Villafuerte na nakakapagpabagal sa validation ng mga SAP beneficiaries ang barcode sa SAP forms.
Pito lamang kasi ang bar code reader ng DSWD at hindi rin naman naiisa-isa ang pagsuri sa mga natatanggap na forms.
Kaya ayon kay Villafuerte, mas maiging alisin na lamang ang bar code dahil wala rin naman itong silbi at nagpapatagal lamang sa proseso.