-- Advertisements --

Ibinunyag ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang pagtaas ng banta sa mga jewish community mula ng magsimula ang pag-atake ng Hamas sa Israel noong Oktubre 7.

Sinabi ni FBI Director Christopher Wray na target ng hate crimes ay ang mga Jewish community.

Mayroon din aniya silang natatanggap na banta rin sa mga Muslims-Americans community kaya kanila itong tinutugunan.

Mahigpit din aniya nilang binabantayan ang mga indibidwal na maaaring magpalaganap ng kaguluhan sa labas ng Israel.

Pagtitiyak nito na nababantayan ang mga pangunahing imprastraktura sa US mula sa banta ng ilang mga foreign terrorist group gaya ng Hezbollah at al-qaeda.