-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Ikinatuwa ng Bangsamoro government ang pagsangayon ng Senado sa iginawad na amnesty ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) members noong 2021, ito’y matapos bumoto ng ‘Yes’ ang 18 Senador pabor sa Presidential Proclamation No.1090.

Ayon kay Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Regional Spokesperson Atty. Naguib Sinarimbo, magandang balita ito para sa regional government at dating mga MILF member.

Aniya simbolo ang pagbibigay ng amnesty bilang pagkilala sa naging political belief na ipinaglaban ng MILF noon bago pa man maipatupad ang Bangsamoro Basic Law.

Nakasaad sa Section 4 ng naturang proklamasyon na ang maigagawad na amnesty ay magpapawalang sala o magtatanggal ng criminal liability sa mga nagawang aksyon ng dating mga MILG members sa pakikipaglaban nito sa kanilang political belief.

Nilanaw naman ni Atty Sinarimbo na hindi sakop ng amnesty ang personal na mga pagkakasala lalo na kung wala itong kinalaman sa kanilang ipinaglalaban na political belief na kinikilala ng batas.

Isa sa naging sakop ng nasabing amnesty ay ang illegal possession of firearms ayon kay Atty. Sinarimbao.