-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nadiskubre ang isang bangkay sa Sitio Sanbantor, Barangay San Marcelino sa bayan ng Dingras, dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Nakilala ang biktima na si Nestor Damo, 61-anyos, residente sa naturang barangay.

Ayon kay Barangay Chairman Larry Pasalo, ang bangkay ay nakita sa kanal malapit sa bukid.

Una rito, nakipag-inuman ang biktima at nang pauwi na ay may nagmagandang loob na isakay siya ngunit tumanggi ito.

Kinaumagahan, nakita na lamang ang bangkay ng biktima malapit sa bukid.

Samantala, sinabi naman ni Police Major Julius Basallo, ang chief of police ng PNP-Dingras na wala silang nakitang foul play sa pagkamatay ng biktima.