-- Advertisements --
Nadiskubre na ng mga sundalo sa Uganda ang bangkay ng 54 na kapwa nilang sundalo na pinatay ng mga al-Shabaab sa Somalia noong nakaraang linggo.
Naganap ang pagkakadiskubre ng makubkob ng Uganda People’s Defense Force (UPDF) ang Buulo Maeer na may layong 120 kilometers ng southwest ng Mogadishu.
Sa kasagsagan ng operasyon ay nadiskubre ang nasabing mga bangkay.
Ipinag-utos din ni Ugandan President Yoweri Museveni na maharap sa court martial ang dalawang commanders nila na nag-utos na umatras sa pag-atake.