Good news sa mga commuter na sumasakay sa linya ng Light Rail Transit (LRT-1).
Simula kasi ngayong araw ay inalis na ng pamunuan ng LRT-1 ang ban sa mga bote ng inumin o ano mang liquid products.
Magugunitang Enero nitong taon nang ipagbawal sa mga pasahero ng LRT at MRT-3 ang bottled drinks dahil sa sinasabing banta ng paggamit sa liquid bombs.
Ito’y matapos ang magkakasunod na pambobomba sa Mindanao.
“Hence, we encourage our passengers before entering MRT-3 stations to consume their bottled drinks, otherwise they will not be allowed to set foot in. Rest assured that we are doing our best to ensure safety and security of our passengers, as these two are our topmost priorities,” ayon sa Department of Transportation.
Sa ngayon wala pang anunsyo ang LRT Line 2 at MRT-3 hinggil sa lifting ng ban.
Bumibiyahe ang LRT-1 mula sa southbound ng Baclaran station, Pasay City hanggang Roosevelt station sa Quezon City.