-- Advertisements --

Inamin ni dating US president Donald Trump na ang kanyang tirahan sa Mar-A-Lago sa Florida ay “ni-raid” ng mga FBI agents.

Tinawag niya ang nasabing hakbang bilang act of “prosecutorial misconduct.”

Sa inilabas niyang pahayag, sinabi ng dating pangulo ng Amerika na ito raw ang mga madilim na panahon para sa kanilang bansa dahil ang kaniyang magandang tahanan, Mar-A-Lago sa Palm Beach, Florida, ay kasalukuyang nasa ilalim daw ng pagkubkob, pananalakay at inookupahan ng malaking grupo ng mga FBI agents.

Aniya, ito ay maling pag-uugali sa pag-uusig, ang pag-armas ng sistema ng katarungan, at isang pag-atake raw ng mga “radical left Democrats” na ayaw na ayaw siyang patakbuhin bilang pangulo sa 2024.

Sa ngayon, hindi pa nakumpirma ng FBI ang ginawang search operation, at si Trump ay nasa gitna ng maraming imbestigasyon.

Magugunitang iniimbestigahan ng US Department of Justice ang nangyaring pag-atake noong Enero 6 sa kapitolyo ng US mula sa mga supporters ni Trump.