-- Advertisements --

Iminungkahi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na kinakailangang lagyan ng CCTV cameras ang mga opisina at bahay ng mga Philippine ambassador.

Ito’y upang maiwasan ang mga abuso at mga pangmamaltrato gaya umano sa nangyari ng Pinay household worker na inabuso sa Brazil.

Ayon kay Sen. Zubiri, hihilingin niya kay Committee on Finance chairperson Sen. Sonny Angara na magbigay ng karagdagang pondo para sa CCTV program ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Aniya, dapat lagyan ng CCTV ang mga tahanan at opisina nito para sa ganoon ay makita ang mga buong pangyayari lalo pa’t maaaring online ang mga CCTV ngayon.

Kapag makagawa ng kamailan ang isang opisyal, hindi na maaaring mabura ang ginawa nitong pang-aabuso.

Mungkahi ito Zubiri kasunod sa ginawa umano ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro na inireklamo sa pang-aabuso ng kaniyang household helper at nahuli ito sa isang video.

Una nang nagbigay ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte sa DFA na gumawa ng imbestigasyon kay Mauro.

Inilarawan naman ni Zubiri si Mauro bilang “black eye” ng DFA at desidido ito na hahadlangan niya ang appointment ni Mauro.

Samantala, ang Pinay domestic worker naman ay nakauwi na sa Cotabato at nangako si Zubiri na kaniyang tutulungan sa abot ng kaniyang makakaya. (with report from Bombo Jane Buna)