KORONADAL CITY – Tiniyak ng barangay officials ng Brgy. Topland ang tulong para sa isang pamilya matapos madaganan ng puno ang kanilang bahay maging ang tricycle.
Nangyari ang insidente dahil sa malakas na hangin at ulan kahapon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Barangay Topland Kapitan Angelica Bermil, isang malaking puno ng mangga ang dumagan sa bahay ni Andresa CareƱosa, 62, at isang balo.
Ayon kay Bermil, nag-iisa lamang ang naturang matanda sa bahay nito nang mangyari ang insidente.
Hindi rin nakaligtas ang tricycle na minamaneho ng anak nito.
Labis naman ang lungkot ng pamilya dahil nirentahan lamang umano ng anak ni Andresa ang naturang tricycle.
Ligtas naman ang lahat kung saan mabilis na nirespondehan ng barangay upang maisagawa kaagad ng clearing operation.