-- Advertisements --
OIL PRICE HIKE PISTON

Inaasahang magpapatupad ang mga kompaniya ng langis ng bahagyang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa araw ng Martes, June 6 matapos ang magkakasunod na umento sa buong buwan ng Mayo.

Sa diesel, inaasahang may bahagyang rollback na P0.25 hanggang P0.50 kada litro.

Habang sa presyo ng gasolina at kerosene ay inaasahang bababa ng P0.50 hanggang P0.70 kada litro.

Ang kakulangan sa reserbang langis noong nakalipas na buwan ang nagbunsod ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na pumalo sa P55 ang kada litro dahil pa rin ito sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.