-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 2.5 na lindol ang bayan ng Paluan, Occidental Mindoro, ngayong umaga lamang.

Sa paunang impormasyon ng PHIVOLCS (Philippine Institute of Volcanology and Seismology), bandang alas-7:53 ng umaga tumama ang lindol na may lalim na 29 kilometers.

Ito ay “tectonic in origin,” at wala namang inaasahang anumang aftershocks.

Samantala, ilang residente sa Makati City ang nakaramdam ng naturang lindol pero ito raw ay saglit lamang.