-- Advertisements --

Nagkaroon ng sunog sa building ng South African parliament ngayong araw ng Linggo.

Kita sa malayong distansya ang tindi ng naturang sunog, na tumupok sa bubong ng isang building at makapal na usok mula rito.

Tumagal ng mahabang oras ang naturang sunog bago ideklara ng mga awtoridad na kanila nang na-control ang sitwasyon.

Kabilang sa mga nasunog na bahagi ng gusali ay ang National Assembly chamber.

Wala namang napaulat na namatay o sugatan sa naturang insidente.

Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang dahilan o pinagmulan ng naturang sunog.