-- Advertisements --

Aasahan umano ang maulan na panahon sa pagpasok ng weekend.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), ito’y kahit nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang Bagyong Pepito pasado alas-7:00 kaninang umaga matapos manalasa sa ilang bahagi ng Luzon.

Huling namataan ang pang-16 na bagyo sa bansa sa layong 480 kilometers sa kanluran na ng Sinait, Ilocos Sur.

Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour (kph), taglay ang hangin sa lakas na 120 kph malapit sa gitna, at bugsong 150 kph.

Una nang inalis ng PAGASA ang lahat ng storm signals na itinaas sa ilang lalawigan.

Samantala, ang bagong low pressure area (LPA) ay namataan sa silangang bahagi ng Mindanao na inaasahang papasok sa PAR bukas, at papangalanan bilang si Tropical Depression Quinta.