-- Advertisements --
Lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Inday matapos itong mamataan sa layong 590 kilometro hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.
Ayon sa ulat, kumikilos ang bagyo sa direksyong hilagang-hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Taglay ni Inday ang maximum sustained winds na 140 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugso na umaabot sa 170 kilometro kada oras.
Bagama’t nasa labas na ng PAR, nananatiling nakataas ang Signal No. 1 sa Batanes dahil sa patuloy na epekto ng malakas na hangin at ulan.
Sa kasaysayan, ang mga bagyong lumalabas sa hilagang bahagi ng bansa ay kadalasang nagdudulot ng malakas na ulan kahit wala na sa PAR, dahil sa interaksiyon nito sa southwest monsoon.
















