Patuloy nang kumikilos pa-hilagang hilagang-kanluran ang Bagyong Henry palayo sa Luzon.
Nitong hapon, tinatayang nasa 315 kilometro ito sa kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
Taglay nito ang maximum sustained winds na 45 km/h malapit sa sentro at pagbugso hanggang 55 km/h, habang kumikilos sa bilis na 30 km/h.
Umaabot hanggang 150 kilometro mula sa sentro ang malalakas na hangin na dala ng bagyo.
Sa kasalukuyan, walang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) sa alinmang bahagi ng bansa.
Gayunpaman, pinapayuhan pa rin ang publiko na maging mapagmatyag sa posibleng epekto ng habagat na pinalakas ng bagyo.
Inaasahang magpapatuloy ang paglayo ni Henry mula sa Philippine landmass habang tinatahak ang direksyong hilagang-kanluran sa West Philippine Sea.
















