-- Advertisements --
Mahigit 1.7 milyon katao ang lumikas matapos ang pag-landfall ng bagyong Bavi sa Zhejiang, China.
Bago pa lamang ang pagdating ng bagyo ay itinaas ng China ang alerto sa Eastern China kung saan mayroong lakas na hangin nito na 144 kilometer per hour.
Una ng nagtaas ng orange typhoon alert ang China ang pangalawang pinakamataas na apat na level ng ratings.
Maraming flights din ang nakansela maging ang biyahe ng tren ay nabawasan.
Sinuspendi rin ang pasok sa eskuwela at maging ang ferry service.
Nagdulot din ng malakas na hangi at pag-ulan ang bagyo sa timog na isla ng Japan ganun din sa Taiwan.
















