-- Advertisements --
Chris Hipkins 1

Nanumpa na ang labor leader na si Chris Hipkins bilang punong ministro ng New Zealand sa isang pormal na seremonya, kasunod ng pagbibitiw ni outgoing Prime Minister Jacinda Ardern noong nakaraang linggo.

Inihalal ng partidong Labour si dating COVID-19 Response and Police minister Hipkins upang pamunuan ang partido at ang kanilang bansa.

Ito ay matapos ang sorpresang pagbibitiw ni Ardern, na nagsabing wala na siyang pondo ng lakas para pamunuan ang nasabing bansa.

Daan-daang ang nagtipon sa lugar ng Parliament nang tuluyan ng umalis si Ardern na kung saan sa huling pagkakataon, magkasunod niyang niyakap ang bawat isa sa kanyang mga miyembro ng parliyamento at marami ang naging emosyonal sa kanyang pagbibitiw sa pwesto bilang Punong Ministro ng New Zealand.