-- Advertisements --
Inanunsyo ng National Museum ang pagkakatuklas ng panibagong species ng halaman.
Ayon sa kanilang inilabas na pahayag, tinatawag na Amylotheca cleofei – Tandang, Galindon & A.S. Rob.
Nakita ito sa Mount Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary.
Ang nasabing bahagi ng bundok ay deklaradong UNESCO World Heritage Site sa Davao Oriental.
Nabatid na ilang klase ng halaman na rin ang nakita sa nasabing kabundukan sa mga nakaraang panahon, kung saan naging agaw pansin din ang tila bonsai tree na tumubo sa gitna ng gubat at ang isang uri ng bulaklak na tila isang jar.