Gumagawa ng pag-aaral ang mga researchers kaugnay sa naranasan ng mga monkeypox patients sa United Kingdom na nagpapakita ng mga sintomas na naiiba sa mga nakaraang outbreaks.
Hanggang sa ilang buwan na ang nakalipas, ang monkeypox ay higit na nakakulong pa rin sa West at Central Africa, kung saan ang mga bagong outbreak ay kadalasang sanhi ng mga tao na nahawahan ng virus ng mga hayop tulad ng mga rodent.
Ngunit mula noong Mayo, higit sa 3,400 mga kaso ang naitala sa buong mundo, ang karamihan sa mga ito sa Western Europe lalo na sa mga “men who have sex with men” at walang alam na mga link sa sub-Saharan African cases.
Nadetect ng Britain ang ilan sa mga pinakaunang bagong global cases at ang unang pag-aaral sa mga pasyente doon ay nai-publish sa The Lancet Infectious Diseases journal.
Sinuri ng mga mananaliksik ang 54 na pasyente ng monkeypox sa London, lahat ng lalaki na nakikipagtalik sa mga lalaki, na kumakatawan sa 60 porsiyento ng mga kaso sa UK noong Mayo 26.
Ang lahat ng mga pasyente ay may mga sugat sa balat, kung saan 94 porsiyento ay nasa genital at anal area.
Pinaniniwalaan na ang virus ay naililipat sa panahon ng skin-to-skin contact tulad ng sa pakikipagtalik.
Dahil dito, gumagawa ngayon ng karagdagang pag-aaral ang World Health Organization (WHO).










