-- Advertisements --
Pinaghahanda ng Pagasa ang pobliko sa isang low pressure area (LPA) na nasa silangan ng Visayas dahil sa posibilidad na lumakas iyon bilang ganap na bagyo.
Ayon sa Pagasa, nasa labas pa ng Philippine area of responsibility (PAR) ang nasabing namumuong sama ng panahon.
Namataan ito sa layong 1,485 km sa silangan ng Eastern Visayas.
Inaasahang magdadala ito ng ulan sa malaking parte ng Visayas sa susunod na linggo.










