-- Advertisements --

Agad na sumabak sa kaniyang trabaho bilang bagong chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) si Richard “Dickie” Bachman.

Matapos kasi ang pormal na panunumpa nito bilang ika-12 chairman ng PSC sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin ay wala itong sinayang na oras para gampanan agad ang kaniyang trabaho.

Nagsagawa siya ng inspections sa PSC office, ganun din ang mga sports complex facilities kabailang na ang Rizal Memorial Coliseum, tennis court, baseball stadium, swimming pool, multi-purpose gym at ang squash center.

Magugunitang itinalaga ni Pangulong Fernand Marcos Jr si Bachman bilang bagong PSC chairman noong Disyembre 28 na papalitan niya si Noli Eala na nagsimulang manungkulan noong Agosto 30, 2022.

Naging commissioner siya ng PBA at UAAP basketball tournaments sa mga nagdaang taon.