Inanunsiyo ng Palasyo Malacanang na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong Philippine ambassadors to Turkiye at Oman.
Batay sa post ng Presidential Communications Office (PCO), itinalaga bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to the Republic of Turkiye si Henry Bensurto Jr.
Bilang Ambassador sa Turkiye, mayroon din itong hurisdiksiyon sa Georgia at Azerbaijan.
Napili din ng Pangulo si Raul Hernandez bilang ambassador to the Sultanate of Oman Chief of Mission I.
Una ng nagsilbi si Hernandez bilang tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs sa ilalim ni dating Pangulong Benigno Aquino III habang si Bensurto naman ay isa sa nangungunang eksperto ng Pilipinas sa UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at maritime security na naging blueprint ng arbitration case ng bansa laban sa China.
Nauna ng nagtalaga si Pangulong Marcos ng limang ambassadors ng Pilipinas sa United Nations (UN), India, Malaysia, Portugal, at Kingdom of Saudi Arabia.