Malaki umano ang matutunan ng Pilipinas sa Singapore bagamat maliit lamang itong bansa.
Ito naman ang paniniwala ng ilang mga OFW kaugnay sa inaasahang pagdating doon mamaya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bahagi ng kanyang state visit matapos ang Indonesia.
Sa report sa Bombo Radyo ni Yves Ventura mula sa Singapore, sinabi nito na kapansin pansin ang pagluluwag na doon at halos wala ng nagsusuot ng face mask.
Malaking aral din daw ang makukuha ng Pilipinas kaugnay sa napakaunlad na ekonomiya ng singapore.
Samantala ang pagtungo ng Pangulong Marcos sa Singapore ay batay na rin sa imbitasyon ni President Halimah Yacob.
Kabilang ang Singapore sa una nang nagpadala ng delegasyon sa Pilipinas noong inauguration ceremony ni Pangulong Marcos noong July 30.
Pagkatapos ng pagdating mamaya ni Marcos sa Singapore ay agad itong makikipagharap sa Filipino community.
Habang, bukas ng Miyerkuels ay magkakaroon ng ceremonial welcome sa Istana, at makakapulong si Singaporean President Halimah na magbibigay ng state lunch.
Si Prime Minister Lee Hsien Loong naman ay makakaharap si President Marcos sa isang breakfast meeting.
Sina Pangulong Marcos at Prime Minister Lee ay dadalo rin sa exchange ng ilang several bilateral agreements para mapalakas pa ang cooperation ng dalawang bansa sa areas of counter-terrorism, data privacy, at iba pa.
Itataon naman sa Singaporean visit nina President Marcos Jr. at First Lady Louise Araneta-Marcos ang pagpangalan sa bagong orchid hybrid na tatawaging Dendrobium Ferdinand Louise Marcos bilang pagbibigay pugay ng Singapore sa first family ng Pilipinas.