-- Advertisements --
Isa na namang low pressure area (LPA) ang namataan sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).
Namataan ang sentro nito sa layong mahigit 900 kilometro sa silangan ng Northeastern Mindanao.
Ayon sa state weather bureau, hindi pa rin matiyak kung anong lugar ang posibleng tatamaan nito kung sakaling didirekta sa kalupaan.
Tiniyak ng ahensya na patuloy na mino-monitor ang naturang LPA at agad magbibigay ng abiso kung sakaling magkaroon ng pagbabago sa kondisyon nito.
Sa ngayon, wala pang direktang epekto sa bansa ang nasabing sistema, ngunit pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at makinig sa mga opisyal na weather advisories.
















