-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – “Pagtutulungan tungo sa maunlad na pamayanan.”

Ito ang naging sentro ng mensahe na ibinahagi ni Kabacan Cotabato Mayor-elect Evangeline Pascua-Guzman sa selebrasyon ng ika-70th Founding Anniversary ng Brgy. Pisan.

Dagdag pa nito, malaki ang potensyal ng Brgy. Pisan lalo’t nakatago rito ang yamang magpapaunlad ng Kabacan na ang tinutukoy nito ang mga kuweba ng bayan.

Siniguro din nito na kanyang buong pusong pagsisilbihan ang bayan lalo’t ang tiwala at suporta na ipinakita ng Brgy. Pisan ay hindi matatawaran.

Samantala, kasabay ng selebrasyon ay binuksan din ang 1st EPG Enduro Challenge sa Purok Silangan, Brgy. Pisan.

Namangha hindi lamang mga residente ng Pisan pati na rin ang mga kalapit barangay at ibang bayan na dumalo.

Nagpasalamat din si Pascua-Guzman sa mga dumalo at nakiisa sa nasabing aktibidad.

Aniya, simula pa lamang daw ito ng mas maunlad na serbisyong ramdam, tapat, at totoo sa mas maunlad na Kabacan.