-- Advertisements --
GENERAL SANTOS–Napaluha si Atty. Glenn Francis Gacal matapos malaman na ganap na siyang abogado at nagbunga ang kanyang pasakripisyo.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi nito hindi niya kayang maipaliwanag ang kanyang nararamdan na kasiyahan.
Anya, napayakap siya sa kanyang ama matapos malaman ang resulta na isa siya sa nakasali nito.
Dagdag pa nito na ang kanyang inspirasyon sa pagiging ganap na abogado ay ang kanya rin ama na isang nurse.
Samantala sinabi rin nito, sa mga nangnagrap maging abogado na maghanda at isa sa pinakamatibay na sandata sa lahat ang pagdarasal at tiwala sa sarili.
Nalaman na nagtapos sa high school si Atty Glen sa General Santos Hope Christian School nitong Lungsod at nag-aral ng abogasya sa Ateneo de Manila.