-- Advertisements --
Umakyat na sa 487,690 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas makaraang madagdagan ng 1,906 panibagong mga kaso.
Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH), ang Quezon City ang nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso ngayong araw na umabot sa 121, na sinundan ng Benguet, 84; Davao City, 82; Cavite, 79; at Bulacan, 75.
Lumobo rin sa 458,198 ang total recoveries makaraang magtala ng 8,592 karagdagang pasyente na gumaling mula sa sakit.
Habang ang death toll ay sumirit sa 9,405 dahil sa walong bagong binawian ng buhay.
Nasa 20,087 naman ang mga aktibong kaso na sumasailalim pa sa treatment o quarantine.