-- Advertisements --

CEBU CITY – Gagamitin na ng Cebu City Government ang Cadaver Freezer na donasyon ng isang pribadong sektor para makatulong sa mga puneraryang napupuno na dahil sa lumulobong bilang ng mga namamatay sa lungsod ng Cebu.

Ayon pa ni City Councilor Dave Tumulak na hanggang 24 na bangkay ang kayang temporaryong ilagay sa nasabing Freezer kung saan malaking tulong na ito sa mga funeral parlors.

Ito ay bunsod sa isyu ng isang punerarya sa Cebu na nagngangalan na St. Bernard Funeral Homes na napilitan nalang gumamit ng isang abandonadong gusali para paglagyan ng mga bangkay habang naghihintay na ma-cremate o mailibing ng mga pamilya.

Iginiit pa na Tumulak, na makakatulong rin ito sa mga pamilya ng mga namatay dahil libre itong ipapagamit ng lungsod. Dagdag pa ng Opisyal na mabigat para sa mga pamilya ang magbayad ng P13,000 sa unang araw habang dagdag naman na P8,000 bawat araw sa mga lilipas na araw.

Maliban pa rito ay paparating narin sa lungsod ang dalawang freezer na ipinadala ng Philippine Red Cross at Department of Interior and Local Government.